Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Umabot na sa 1,209.

Cauayan City, Isabela- Lalong tumaas sa bilang na 1,209 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela matapos madagdagan ng mataas na panibagong kaso ngayong araw ng Miyerkules, Marso 31, 2021.

Sa datos na inilabas ng DOH Region 2 ngayong araw, muling nakapagtala ng 172 na panibagong kaso ang probinsya na nagdadala sa kabuuang bilang na 7,652.

Mayroon namang 42 na bagong gumaling sa COVID-19 na nagdadala naman sa bilang na 6,300 total recovered cases.


Ang mga bagong kaso ay naitala sa iba’t-ibang bayan at Lungsod sa probinsya na kung saan pinakamarami sa may bagong naitala ang Lungsod ng Santiago na umaabot sa 50.

Mula naman sa 1,209 active cases ng probinsya, kinabibilangan ito ng 1,016 Local Transmission; 146 na Healthworker; 33 na miyembro ng PNP; 12 na Locally Stranded Individual (LSIs); at dalawang Returning Overseas Filipino (ROFs).

Facebook Comments