Cauayan City, Isabela- Pumalo na sa 35 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quirino batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Provincial Health Office.
Base sa report, pinakamataas pa rin na bilang ang naitala ng bayan ng Maddela kung saa 20 ang active cases na sinundan ng bayan ng Aglipay na may anim (6); Diffun at Saguday na may tig-tatlo (3), Cabarroguis na may 2 at Nagtipunan na iisa (1).
Sa isang pahayag, sinabi ni Quirino Governor Dakila Carlo Cua na anumang araw ay ipapatupad ang S-Pass o paraan para mairehistro ang mga papasok sa probinsya gamit ang QR Code.
Ito ay ginawa sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology (DOST), Quirino State University at Isabela State University.
Kaugnay nito, nakiusap naman ang gobernadora sa publiko na kung maaari ay palagiang sundin ang ipinapatupad na health protocol at iwasan na gawing venue ang mga lamay dahil ikinokonsidera itong ‘public places.’
Giit ng alkalde, hindi kinakailangang magpanic ang publiko bagkus ay doble ang gawing pag-iingat para makaiwas sa posibleng paghawa sa COVID-19.