Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Region 2, Bumaba sa 473

Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa 473 na lamang ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan matapos makapagtala ng mataas na bilang ng mga gumaling sa virus.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, animnapu’t apat (64) na recoveries ang bagong naitala sa rehiyon kung saan labing isa (11) sa probinsya ng Cagayan, 50 sa Isabela, isa (1) sa Santiago City at dalawa (2) sa Nueva Vizcaya.

Kasabay ng paggaling ng 64 na nagpositibo sa COVID-19, nakapagtala rin ang rehiyon ng labing anim (16) na panibagong positibong kaso ng Coronavirus kung saan isa (1) ang naitala sa Cagayan, sampu (10) sa probinsya ng Isabela, isa (1) sa Santiago City at dalawa (2) sa Nueva Vizcaya.


Sa kasalukuyan, umabot na sa 1,183 ang naitalang total confirmed cases ng Isabela, 618 sa Cagayan, 114 sa Santiago City, 593 sa Nueva Vizcaya, lima (5) sa Quirino, at dalawa (2) sa Batanes.

Umakyat naman sa 2, 515 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa buong lambak ng Cagayan, 2,006 ang recoveries at 36 ang nasawi.

Facebook Comments