Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng labing apat (14) ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Santiago City batay sa inilabas na COVID Bulletin ng Local Government Unit.
Isa naman ang naitalang reinfection ng COVID-19.
Isa naman ang naitalang reinfection ng COVID-19.
Sa kabuuan, 7,424 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 7,162 ang naitalang nakarekober habang 223 naman ang bilang ng nasawi.
Sa kasalukuyan, mayroong 39 aktibong kaso ng COVID19 sa ating lungsod.
Patuloy naman ang paghimok sa publiko na sumunod sa umiiral na minimum public health standards upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Isa lamang ang lungsod ng Santiago sa nakategorya sa ‘high epidemic risk’ ng Department of Health (DOH) region 2.
Facebook Comments