Aktor na si Diego Loyzaga, inaming napag-uusapan na nila ni Barbie Imperial ang pagpapakasal

697

Inamin ng aktor na si Diego Loyzaga na napag-uusapan na raw nila ng kanyang girlfriend na si Barbie Imperial ang pagpapakasal.

Sa isang virtual presscon, sinabi ni Diego na nakikita nila ni Barbie ang pagkakaroon ng sariling pamilya at mga anak.


Say pa ng aktor, iniintindi nila ang bawat isa kahit anong problema man ang dumating sa kanilang buhay.

Ayon pa kay Diego, masasabi niya na si Barbie na ang kanyang “the one”.

Dagdag pa niya, walang naging sikreto kung bakit maayos ang relasyon nila ni Barbie.

Aniya, mahal na mahal lang nila ang isa’t-isa kahit may mga pagkakaiba or hindi napagkakasunduan.



Facebook Comments