Aktres at Model na si Ryza Cenon, magkaka-baby na!

122

Soon to be mommy na ang aktres at model na si Ryza Cenon sa boyfriend niyang Cinematographer na si Miguel Antonio Cruz.

Sa instagram post ni Ryza, kinumpirma nito ang kaniyang limang buwang pagbubuntis, kung saan ipinapakita niya ang kaniyang baby bump.


May caption ang larawan na “it’s the small moments that make life big. Happiness is on the way. “ na kinagiliwan ng mga netizens.

Ilang personalidad naman ang nag-congratulate sa aktres tulad nina Joseph Marco, Chynna Ortaleza, Yasmin Kurdi at iba pa.

Ito ang first ever baby ng 32 years old na si Ryza na una nang nag-trending dahil sa kaniyang pixie haircut.

Facebook Comments