Pagbabalik-laro ng NBA sa July 30, posibleng muling suspendihin dahil sa COVID-19

61

Posibleng muling suspendihin ang pagbabalik-laro ng National Basketball Association (NBA) na nakatakda sa July 30, 2020.

Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver, kung patuloy na tataas ang bilang ng mga manlalaro at staff na magpopositibo sa COVID-19, mapipilitan silang suspendihin muli ang pagbabalik-laro.


Pero malaki naman aniya ang kanilang tiwala na magiging mahigpit ang ipapatupad na health protocols sa playing court.

Itinakda sana nitong ika-11 ng Marso ang laro ng nba pero nausog sa July 30, 2020 na gaganapin sa Walt Disney World Resort sa Florida.

Facebook Comments