Aktres/vlogger na si Ivana Alawi, nagpakita ng suporta sa sektor ng agrikultura

Suportado ng aktres/vlogger na si Ivana Alawi ang sektor ng agrikultura dahil sa layunin na makatulong sa mga mahihirap.

Sinabi ng aktres na noong nakaraang halalan ay wala siyang sinuportahan na Partylist dahil ito ay kaniyang pinag-aralang mabuti.

Aniya, naramdaman niya sa pagkakataon ito ang layunin ng sektor ng agrikultura partikular ang mga magsasaka, mangingisda, magbababoy at magmamanok, at naniniwala sa ipinaglalaban ng sektor kaya naging kumpiyansa ito sa AGAP Partylist sa pangunguna ni Rep.Nicanor Briones.


Ayon pa kay Ivana, hindi siya tumitingin sa pera para lamang suportahan ang isang Partylist kundi nararamdaman niya ang pangangailangan at paghihirap ng mga nasa sektor ng agrikultura dahuil maging siya man ay lumalabas at namimili sa palengke ng personal.

Nagpasalamat naman si Rep.Briones sa pahayag ng aktres na gusto niyang tulongan at suportahan ang nasabing sektor.

Umaasa naman ang AGAP na sa pamamagitan ng pagsuporta ng aktres ay makukuha nila ang tatlong pwesto upang maipakita ng mga magsasaka at kooperatiba , at 30 milyong Filipino na nasa sektoral..

Sa pamamagitan ni Ivana ay umaasa rin na maiparating nila na kailangan magkaisa at ipaglaban ang sektor ng agrikultura at kooperatiba.

Facebook Comments