Paghingi ng asylum sa gobyerno ng The Netherlands, prerogative na ni Harry Roque

Itinuturing ng Senado na prerogative ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang pag-apply nito ng political asylum sa The Netherlands.

Matatandaang si Roque ay sumunod at nagtungo sa The Hague sa The Netherlands matapos na maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Senate President Francis Escudero, nasa desisyon naman ng gobyerno ng The Netherlands kung igagawad o hindi ang aplikasyon ni Roque para sa asylum.


Samantala, hindi naman batid ni Escudero kung uubra na ipaaresto si Roque sa tulong ng Interpol gamit ang warrant of arrest ng Kamara.

Sinabi ng Senate president na Department of Justice ang mas nakakaaalam kung maaaring gamitin ang naturang warrant of arrest para ipadakip si Roque habang nasa The Netherlands.

Facebook Comments