VP Sara, kinumpirmang ngayong araw sana ang target ng pagpapauwi sa Pilipinas kay FPRRD

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na ngayong araw sana ang target nila para maiuwi ng Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, hindi aniya madali ang proseso at maraming paper works na kailangang i-comply.

Sinabi ni VP Sara na sa kanyang pagdalaw sa dating pangulo sa loob ng detention center ng International Criminal Court (ICC), sinabi aniya nito na huwag nang papuntahin ng The Netherlands ang ibang miyembro ng kanilang pamilya o ang kanyang mga kapatid dahil wala naman daw silang gagawin doon.

Ayon kay VP Sara, inihayag din sa kanya ni dating Pangulong Duterte na hindi nito pinagsisihan ang kanyang ginawang pagsisilbi sa bayan.

Sinabi ni VP Sara na nakiusap din ang dating pangulo sa kanyang Filipino supporters sa The Hague na iwasang magdulot ng abala sa gagawin nilang birthday rally sa March 23 kasabay ng ika-80 kaarawan ng dating Pangulong Duterte.

Nakatakda ring dalawin sa ospital ngayong araw ng pangalawang pangulo si dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

Facebook Comments