Aktwal na bilang ng COVID-19 cases, posibleng mas mataas pa sa daily cases ng DOH

Posibleng mas mataas pa ang aktwal na bilang kaysa sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi pa kasama ang mga nagpopositibo sa antigen testing na ginagamit ngayon ng karamihan sa daily reported cases at mas marami rin ang ayaw magpa-test at pinipiling mag-isolate na lamang.

Aniya, ang antigen testing ay maaari lamang gamitin sa ‘specific settings’ dahil posibleng mali ang maging resulta nito kung mali ang paggamit.


Dagdag pa ni Vergeire na hindi basta-basta isinasama sa talaan ang resulta ng antigen tests dahil kailangan pa itong alamin ng national government.

Sa ngayon ay tanging ang mga resulta mula sa RT-PCR test ang isinasama sa daily reported cases ng DOH.

Facebook Comments