Manila LGU, nagdeklara ng health break

66

Walang pasok ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila simula January 14 hanggang January 21, 2022

Ito ay matapos na magdeklara ng isang linggong “health break” ang Manila City government.

Layon nito na makapagpahinga ang mga guro at mag-aaral sa lungsod.


Sa harap na rin ito ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 at ng banta ng Omicron variant.

Ayon kay Mayor Francisco “Isko” Moreno, ito ay bilang pagtugon na rin ng pamahalaang lungsod sa mataas na anxiety level na nararanasan ng mga estudyante at magulang na na-infect ng virus.

Facebook Comments