Alab Pilipinas, wagi kontra Mono Vampire sa ABL

Naging mainit ang laban sa pagitan ng Alab Pilipinas at Mono Vampire ng Thailand sa Asean Basketball League (ABL) na ginanap kagabi sa Sta. Rosa Complex sa Laguna.

Tinalo ng Pilipinas ang Thailand sa overtime game sa score na 110-100.

Nanguna sa panalo ng Alab si Renaldo Balkman na nakakuha ng 38-points.


Dahil sa panalo, nangunguna pa din sa team standings ng ABL ang Pilipinas na may 8-2 win/loss record.

Facebook Comments