Manila, Philippines – Nagkatulakan ang mga tao at ang iba ay nagkulong sa mga shop nang umatake ang mga nasa limang armadong lkaalakihan sa isang jewelry shop sa loob ng Harrison Plaza Mall, Malate, Manila.
Ayon kay Ret Chief Insp. Rollie Garcia, ang Security Supervisor ng Harrison Plaza, mag-a-alas kwatro ng hapon nang tinutukan ng baril ng mga armadong kalalakihan ang dalawang security guard ng mall at tatlong staff ng jewelry shop na gold buyers.
Sabi ng isang saksi, may narinig silang tatlong putok ng baril pero nilinaw ni Garcia na tunog iyon nang basagin ng mga salarin ang istante ng mga alahas.
Aabot sa isang milyong piso ang halaga ng mga nalimas na alahas ng mga suspek.
Sabi ni Garcia, hindi naman nakapasok ang mga salarin sa mall na may dalang martilyo.
Paliwanang niya, malamang ay binili sa loob ng Mall ang martilyo.
Sa ngayon ay nire-review pa ang CCTV ng jewelry shop para sa pagkalakilanlan ng mga tumakas na salarin, sakay ng tatlong motorsiklo.