Alamin ang best physical asset ni Pia Wurtzbach sa paningin ni Marlon Stockinger

74

Manila, Philippines – Laging trending sa social media ang mga bikini photo ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Hindi tuloy maiwasang matanong ng media ang boyfriend niyang si Marlon Stockinger kung ano para sa kanya ang best physical asset ni Pia.

Sabi ni Marlon, lahat ay maganda kay Pia pero kung talagang pipili siya ng isa, ito ay ang mga mata ng beauty queen.

Samantala, wala naman daw problema sa kanya ang mga viral sexy bikini photo ng kanyang girlfriend.
Katunayan, siya ang kumuha ng mga larawang ito at hangga’t masaya at komportable si Pia sa pagpo-post ng mga sexy photos, wala itong kaso sa kanya.

Facebook Comments