Mahusay na pangangalaga sa kapaligiran, dedikasyong maprotektahan ang kalikasan – ilan lang yan sa mga magagandang adhikain ng mga residente ng Alaminos, kaya naman sila ay nararapat lang na maparangalan.
Sa katatapos na 9th Region 1 Ecological Solid Waste Management Summit 2025 ng Department of Environment and Natural Resources nitong February 7 sa Candon City, Ilocos Sur, Isa ang lungsod sa ginawaran ng Good Governance Excellence Award ang pamahalaang panlungsod ng Alaminos.
Dahil ito sa kanilang inisyatibo sa pagpapanatili ng kalinisan sa buong lungsod sa pamamagitan ng epektibong Solid Waste Management Practices nila.
Pagiging disiplinado at masunurin sa mga panukalang ito ang naging puhunan ng mga residente para makamit ang prestihiyosong award.
Maliban naman dito, dalawang parangal pa ang iginawad sa lungsod – ang Sustainable Alliance Partner Accolade at Certificate of Recognition in Outstanding Programs and Activities in Composting.
Pagpapakita lamang na kapag may disiplina, dedikasyon, at pagkakaisa ay kayang kayang makamit ang tagumpay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨