KAMPANYA PARA SA MALINIS NA KATUBIGAN, TAMPOK SA 63RD FISH CONSERVATION WEEK SA REGION 1

Tampok sa pagbubukas ng 63rd Fish Conservation Week ang paglulunsad ng Malinis at Masaganang Katubigan (MMK 2.0) sa San Fernando City, La Union noong Setyembre 14, 2026.

Ito ay matapos ang demonstrasyon kung saan ibinuhos ang tubig sa isang aquarium na may polluted water bilang opisyal na pagbubukas ng programa.

Kasunod nito ang Signing of the Pledge of Commitment, kung saan lumagda ang mga kalahok.

Iprinisinta ang bagong guidelines at website para sa programa na naglalaman ng mga gabay sa pagpapatupad at impormasyon tungkol sa mga aktibidad at update kaugnay ng pangangalaga sa katubigan.

Pinangunahan ng Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang programa, na isinasagawa kasama ang iba pang government agencies at stakeholders.

Isinagawa ang aktibidad sa San Fernando City bilang bahagi ng paggunita sa 63rd Fish Conservation Week at pagsusulong ng mga hakbang para sa pangangalaga ng yamang tubig sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments