Alarm System at Walang Pulis sa Command Post, Dahilan ng Matagumpay na Panloloob sa Bangko sa Tuguegarao City!

Tuguegarao City, Cagayan – Hindi gumanang alarm system at walang nakatalagang pulis sa command post ang nakitang dahilan sa matagumpay na panloloob ng limang aramadong kalalakihan sa Metrobank Tuguegarao Main Branch, pasado alas otso kagabi sa Luna Street, Tuguegarao City, Cagayan.

Ito ang ipinahayag ni Police Supt. George Cablarda, hepe ng PNP Tuguegarao City sa panayam ng RMN Cauayan.

Aniya hindi kaagad naitimbre sa kapulisan ang pangyayari dahil sa hindi umano gumana ang alarm system ng bangko at sa katunayan umano ay kamag anak ng isa sa empleyado ng bangko ang tumawag sa himpilan ng pulisya.


Sinabi pa ni Police Superintendent Cablarda na sinabi ng  tatlong gwardya at siyam na empleyado ng naturang bangko ay hindi nila alam ang hotline number ng kapulisan.

Samantala pinulong na umano ni Cablarda noong isang Linggo ang mga bank managers sa Tuguegarao City na makipagtulungan sa kapulisan kaugnay sa peace and order ng lungsod kung saan ay sila na umano ang bahalang magbigay ng kaniyang numero at hotline number ng PNP Tuguegarao sa mga empleyado.

Idinagdag pa ni PSupt. Cablarda na walang nakatalagang pulis sa command post na malapit sa lugar bagamat una na niyang hiniling  ito sa punong lungsod ng Tugeugarao.

Samantala nagkaroon na umano ng pagpupulong mula sa regional headquarters at sa bawat estasyon ng kapulisan upang magkaroon ng agarang checkpoint sa mga posibleng papasukan ng mga suspek dahil naniniwala ang kapulisan na hindi pa nakakalabas ng lungsod ang mga kawatan.

Facebook Comments