Alas Pilipinas, pinahiya ang Volleyroos ng Australia sa pagbubukas ng AVC Challenge Cup

Photo Courtesy: Premier Volleyball League

Naka-buena mano ng panalo ang Alas Pilipinas sa unang sabak nito sa AVC Challenge Cup na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Tinalo ng Philippine Women’s National Volleyball team ang Australia matapos makuha ang tatlong sets ng laro:  22-25, 25-19, 25-16 at 25-21.

Nanguna sa panalo ng Alas Pilipinas ang De La Salle University Star Spiker na si Angel Canino na may 17 points mula sa kanyang 15 attacks, one block at one ace.


May 17 points naman si Eya Laure mula sa kanyang 14 attacks, one block at two aces habang nag-ambag din ng 16 na puntos si Sisi Rondina gayundin si Thea Gagate na may 11 points.

Sunod na makakaharap ng Alas Pilipinas ang India ngayong araw.

Facebook Comments