Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ang 13 sa 14 na mga pulis na tumatayong respondents sa isinampang kaso ng PNP-CIDG laban sa mga tinaguriang ninja cops ng Pampanga.
Kabilang sa mga pinakakasuhan si dating PNP Chief Oscar Albayalde nang paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act.
Ayon sa DOJ – may pananagutan si Albayalde dahil sa pag-impluwensiya niya sa ibang opisyal ng gobyerno para protektahan ang kanyang mga tauhan at dahil na rin sa hindi pagpapatupad ng kautusan na masuspinde ang kanyang mga dating tauhan sa Pampanga na kasama sa anti-drug operation noong 2013.
Mayroong probable cause para kasuhan sina Police Major Rodney Baloyo at 12 tauhan nito dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ibinasura naman ng DOJ panel ang reklamo laban kay PO2 Anthony Lacsamana dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.