Alden Richards, umamin na na-intimidate daw kay Kathryn Bernardo

192
Image via Instagram/Star Cinema

Sa kaniyang guesting sa morning show ng GMA na ‘Mars Pa More’, kinuwento ni Kapuso star Alden Richards ang impresyon niya kay Kapamilya star Kathryn Bernardo.

Umamin si ‘Pambansang Bae’ na noong una ay na-intimidate siya sa first time leading lady, at tumiklop ang kaniyang kakulitan at pagiging maligalig.


“Tahimik lang ako. Talagang hindi ko muna masyadong ginalingan ang pagiging makulit kasi nakakahiya, e,” ani Alden.

“So, ang ginawa ko na lang, since it’s another network, nangapa muna ako kung ano ang mga dapat galawan dun.”

“But it turns out, wala silang pinagkaiba sa’tin–dito sa network natin.

“Hardworking, passionate people, magaling makisama. Hindi ako nahirapan, especially to work with Kath, kasi very humble din, easygoing, saka we share the same passion towards the film,” ani Alden.



Sa unang beses ay nagtambal ang dalawa sa romantic film na “Hello, Love, Goodbye” na ipalalabas na sa Hulyo 31 ngayong taon.


Facebook Comments