Manila, Philippines – Plano ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano na dumulog na sa International Criminal Court o ICC.
Ito ay matapos na ideklarang insufficient in substance o walang laman ang basehan ng reklamo ni Alejano.
Giit ni Alejano, dahil sa desisyon ng House Committee on Justice ay sasama na sila sa paghahain ng reklamo sa ICC kung saan magiging basehan din ang war on drugs kung saan lumaganap ang extra judicial killings, ang kwestyunableng 2.2 Billion na pag-aari at mga bank accounts ni Duterte, ang nasa 11 libong mga ghost employees, ang pagbuo sa Davao Death Squad o DDS ba siyang nanguna sa patayan sa Davao City noong Alkalde pa ito, at ang pagpayag ng makapasok sa Benham Rise ang China.
Naniniwala si Alejano na kung sa Pilipinas ay wala na silang maaasahan dahil hawak ito ng gobyerno partikular ang DOJ.
Nauna nang naghain sa ICC ng kaso ang abogado ni Edgar Matobato na si Atty. Jude Sabio laban sa Pangulo kaugnay ng sinasabing mga pagpatay sa mga kriminal sa Davao City noong Alkalde pa doon si Duterte.