Alejano, hinamon ang mga mambabatas na pumirma ng waiver sa bank secrecy law

Manila, Philippines – Hinamon ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang mga pulitiko na pumirma sa ilalim ng bank secrecy law para mabuksan ang kani-kanilang mga bank accounts.

Ito ay upang makita ng publiko kung sino talaga ang nagpayaman habang nasa posisyon.

Giit ni Alejano, pumirma dapat ang mga pulitiko kung saan i-we-waive ng mga ito ang kanilang karapatan sa bank secrecy law upang masilip ang mga itinatagong bank accounts.


Aniya, ito noon ang hamon din ng Pangulong Duterte matapos na lumutang ang balita noong halalan na may 227 million undeclared assets ito sa kanyang bank account na hindi idineklara sa kanyang SALN bukod pa ito sa 2.2 Billion na iba pang hindi deklaradong yaman ng Pangulo.

Aniya, kung talagang walang itinatago ang Pangulo ay pumirma na ng waiver gayundin ang mga kasamahang kongresista.

Nainsulto si Alejano matapos na hindi ito mapagbigyang magpaliwanag at masabihang hindi abogado.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments