Alejano, inaming nasa likod ng impeachment si Trillanes; LP at VP Leni, walang kinalaman

117

Manila, Philippines – Inamin ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na parte si Senator Antonio Trillanes ng impeachment complaint kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Alejano, kay Trillanes niya nakuha ang ilang mga dokumento para suportahan ang reklamong pagpapatalsik sa Presidente at sa katunayan ay nagbigay pa ito ng payo sa kanya.

 

Paglilinaw ni Alejano, ang Magdalo group lamang ang nasa likod ng impeachment complaint at wala nang ibang grupo o partido ang nasa likod nito.

 

Kusang loob niyang ginawa ang paghahain kanina ng impeachment at masaya siya na dahil sa wakas ay nagawa niya ito na naaayon sa tamang proseso.

 

Iginiit ni Alejano na kailangang mapanagot ang Presidente sa mga paglabag nito sa batas at inaako naman ni Alejano ang responsibilidad para dito.

 

Dagdag pa niya, walang kinalaman ang Liberal Party o kahit si Vice President Leni Robredo sa paghahain ng impeachment laban kay Duterte.

 

Wala aniyang nakakaalam ng ginawa niya kanina at maging ang media ay nasorpresa sa paghahain niya ng impeachment complaint.

Facebook Comments