CGMA, full support pa rin kay Alvarez at Duterte kahit nasibak sa pagka-deputy speaker

4

Manila, Philippines – Buo pa rin ang suporta ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa liderato ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Mababang Kapulungan.

 

Ito ay kahit pa tuluyan siyang inalis bilag Deputy Speaker for Central Luzon matapos na bumot ng NO sa death penalty bill.

 

Paliwanag ni Arroyo na personal conviction ang kanyang posisyon sa pagkontra sa death penalty at ibinase niya sa kanyang konsensya ang kanyang pagboto.

 

Naniniwala din siya na mahalagang usapin ang patungkol sa buhay ng tao kaya kahit kaalyado siya ng Pangulo ay sinunod niya ang kanyang paniniwala kontra death penalty bill.

 

Nagpasalamat din si CGMA sa pang-unawa sa kanya ng Pangulo matapos nitong ihayag ang kanyang posisyon sa parusang kamatayan noong nakaraang taon at sa panahon na ibinigay sa kanya para makapaglingkod sa Kamara.

 

Sa kabila ng pagpapatalsik sa kanya sa posisyon, buo pa rin ang suporta ni Arroyo sa house leadership at sa Pangulo.

Facebook Comments