Alejano, sinabing ang biyahe ni Duterte kasama ang 200 na delegado sa Japan ay isang ‘corruption’

Pinahayag ni Magdalo Representative Gary Alejano na ang biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan kasama ang 200 na delegado at mga kaibigan ay isang ‘corruption’.

Sinabi niyang hindi lahat ng kasama ni Duterte sa Japan ay may kinalaman sa opisyal na layunin at pera ng bayan ang ginamit sa gastos.

Ayon kay Alejano, dapat lamang na magpaliwanag ang Malacañang ukol dito.


“Ang lumalabas, nagamit na nga ang kaban ng bayan nung eleksyon, pati ba naman sa victory party sagot pa ng taumbayan?” dagdag niya.

Ang naging biyahe sa Japan ay sinabing “reward” sa mga nanalong kandidato na kabilang sa administrasyon.

Facebook Comments