Itinaas ng PHIVOLCS ang alert level 1 sa Mount Bulusan sa Sorsogon ngayong araw.
Ito ay dahil sa pagtaas ng bilang ng seismic activity ng bulkan.
Sa datos ng PHIVOLCS, nasa 16 na volcanic earthquake na ang naitatala habang namataan din ang bahagyang paglobo sa upper slopes nito mula pa noong April 29.
Napansin din ang pagtaas ng water temperature at paglalabas ng putting usok ng bulkan.
Paliwanag ng PHIVOLCS, ang pagtaas sa alert level 1 ay nangangahulugang posibleng mayroong hydrotherman process sa ilalim ng bulkan na maaaring magdulot ng steam-driven eruptions.
Kaugnay nito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-Kilometers radius Permanent Danger Zone ng Bulkang Bulusan.
Pinag-iingat din ang mga nakatira sa Extended Danger Zone o Dalawang Kilometro mula sa PDZ para maiwasa sa posibleng rockfall o landslide.
Nagbabala rin ang ahensya sa mga otoridad ng Civil Aviation na delikadong lumipad sa tapat ng bulkan dahil sa inilalabas nitong abo.