Alert level 2, itinaas ng DFA sa Myanmar

Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 2 ang sitwasyon sa Myanmar dahil sa nagpapatuloy na political crisis doon.

Batay sa abiso ng DFA, layon nito na matiyak ang kaligtasan ng 1,273 Filipino na nakatira at nagtatrabaho sa Myanmar.

Sa ilalim ng alert level 2, pinaiiwas ng embahada ng Pilipinas ang mga overseas Filipinos sa mga non-essential movement, mga lugar na pinagdadausan ng kilos-protesta, at paghahanda sa posibleng evacuation.


Tanging ang returning workers naman na may kontrata ang pinapayagang makabiyahe pabalik sa Myanmar.

Inabisuhan din ng kagawaran ang mga Pilipino sa nasabing bansa na maging mapagmatyag at tutukan ang sitwasyon sa pamamagitan ng mga pinagkakatiwalaang source.

Facebook Comments