Nagpapatupad ngayon ng evacuation sa mga residenteng nakatira malapit sa bulkang Taal.
Kasunod ito ng nangyaring phreatic eruption sa bulkan.
Mula sa video na kuha ng Facebook user na si Jerry Espinas, makikita ang sunod-sunod na pagbubuga ng mataas na usok ng bulkang taal na umabot hanggang 100 metro.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction And Management Office, mula alas 11:45 kaninang umaga ay nakaranas ang mga residente ng Sitio San Isidro, Pulo Island at Talisay ng mga pagyanig.
Samantala, mula alert level 1 itinaas na ng Phivolcs sa alert level 2 ang status ng bulkan.
Ibig sabihin, posibleng magkaroon ng magmatic intrusion na pwedeng mauwi sa pagsabog nito.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum,patuloy nnilang mino-monitor ang sitwasyon sa bulkan para sa posibilidad na magtaas muli ng alarma.