ALERT LEVEL 3 | DFA, nagpatupad ng voluntary evacuation sa mga OFW sa Libya

Manila, Philippines – Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 3 ang sitwasyon sa Libya kasunod ng ilang araw na factional fighting.

Ayon sa DFA, isinasagawa na ang voluntary repatriation sa nasa 3,500 Pilipino.

Sa ilalim ng alert level 3, hinihimok ang mga Pilipino sa Libya na maghanda para sa evacuation.


Ang mga OFW naman na may trabaho sa Libya pero nagbabakasyon sa Pilipinas ay hindi muna papayagang bumalik.

Nakahanda na rin ang rapid response teams para tulungan ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli para sa paglilikas ng 1,800 Pilipino sa kabisera na naiipit sa gitna ng gulo.

Una nang nagpaalala ang embahada sa Filipino community roon na manatiling nasa loob ng kanilang tinitirhan o maghanap ng mas ligtas na lugar.

Facebook Comments