DAGDAG SINGIL | Maynilad, Manila Water posibleng magpatupad ng taas-presyo

48

Manila, Philippines – Posibleng tumaas ang singil ng Manila Water at Maynilad sa Oktubre.

Sa ulat, nasa P7.30 kada cubic meter ang dagdag-singil ng Manila Water habang P6.95 kada cubic meter naman ang sa Maynilad.

Pero pagtitiyak ni Patrick Ty, Chief Regulator ng Waterworks and Sewerage System, uutay-utayin naman ito sa loob ng apat na taon na magsisimula sa Oktubre kapag naaprubahan.

Aniya, mas maliit ang inirekomenda nilang rate adjustment kumpara sa hirit ng dalawang kompanya dahil hindi nila isinali rito ang corporate income tax at ilang proyekto ng Manila Water at Maynilad.

Mababatid na nasa P11 kada cubic meter ang hirit ng Maynilad habang P8.30 kada cubic meter naman sa Manila Water.

Facebook Comments