Idineklara na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa Myanmar dahil sa pagtuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 partikular na ang Delta variant.
Dahil dito, pinalilikas na pauwi ng Pilipinas ang mga Pilipino sa Myanmar.
Ayon kay Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo Kapunan Jr., mayroong silang naka-schedule na chartered flights at inaasahang 59 volunteers na mga Pilipino ang uuwi.
Tiniyak naman ni Kapunan na pinapayuhan na nila ang mga Pilipino na mabuti nang umuwi sa bansa habang hindi pa idinedeklara ng World Health Organization (WHO) na malala na ang COVID-19 situation doon.
May nakatakda namang dalawang repatriation flights sa Agosto para sa susunod na batches ng mga Pilipinong uuwi sa bansa.
Matatandaang batay sa datos, umaabot sa 500 mga Pilipino ang nasa Myanmar pero nasa 150 Pilipino lamang ang tumugon.