Alert level na ipinatutupad, dapat gawing tatlo na lamang ayon sa isang opisyal

Iminungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa pamahalaan na mula lima ay gawin na lamang hanggang tatlo ang antas ng alert level na ipinapatupad sa bansa.

Ayon kay Concepcion, dapat isantabi na ang Alert Level System at namuhay na tayo ng normal.

Aniya, ang normal ngayon ay ang pagpapanatili ng basic minimum health protocol.


Iginiit din ni Concepcion na paraan din ito para makabangon ang mga negosyo sa epekto ng pandemya.

Ang Alert Level System ay sinimulang ipatupad noong 2021 kapalit ng community quarantine.

Facebook Comments