DOH, nanawagan ng volunteers para sa part 3 ng dalawang araw na “Bayanihan, Bakunahan”

Nanawagan ang Department of Health (DOH) ng volunteers para sa ikatlong yugto ng national vaccination drive laban sa COVID-19 sa Pebrero 10 hanggang 11.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, layon ng ikatlong vaccination drive na mabakunahan ang nasa anim na milyong Pilipino kasama na ang primary series at booster shots.

Kabilang sa kailangan sa vaccination sites ang mga sumusunod:


 Health screeners
 Vaccinators
 Post-vaccination monitors
 Health educators
 Encoders
 Talliers o Data consolidators

Muli namang hinikayat ni Vergeire ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Facebook Comments