Naniniwala ang isang infectious disease expert na dapat magpatupad ng mas mataas na alert level status sa mga lugar na nakakaranas ng paglobo ng kaso ng COVID-19.
Sa Laging Handa briefing, sinuportahan ni Dr. Rontgene Solante ang paghihigpit ng restriksyon kasunod ng nababalitang kakulangan sa manpower ng mga Local Government Unit (LGU) at pagtaas ng hospital occupancy rate.
Dahil dito, naniniwala si Solante na dapat nang itaas ang alert level status na mayroon ngayon.
Matatandaang itinaas sa Alert Level 3 ang Metro Manila at 14 pang lugar bunsod ng paglobo sa naitatalang kaso ng COVID-19.
Kahapon lamang ay nakapagtala ang bansa ng record-high na 26,548 panibagong kaso ng sakit.
Facebook Comments