CLOSE CONTACTS NI “POBLACION GIRL” NA NAGPOSITIBO SA COVID-19 SA SAN JUAN, LA UNION, NAKAHAWA NG 18 KATAO

78

Isinailalim sa dalawang linggong lockdown ang surfing area sa Barangay Urbiztondo, San Juan, La Union matapos mahawaan ni Poblacion girl ang labing walong katao sa isinagawang fund-raising event sa isang resto bar.

Dumalo ang mga nasabing close contacts ni “Poblacion Girl” o Gwyneth Chua sa nasabing programa kung saan 18 sa 20 close contacts nito ay positibo sa sakit nang idaan sa RT-PCR test.

Sa Executive Order No. 4 s. 2022, pansamantalang isasara ang mga establisyimento sa surfing area hanggang sa January 23, 2022 dahil sa gagawing contact tracing at disinfection.

Isasara na muna ang beach sa San Juan at tanging government enforcers, mangingisda at joggers lamang ang papayagan.

Ang mga empleyado sa lahat ng establisyimento at tricycle drivers na nasa istasyon ng Urbiztondo Tricycle Terminal ay kailangang sumailalim sa RT-PCR test.

Samantala, simula sa January 10 lahat ng establisyimento at residential areas sa lugar ay kailangang sumailalim sa disinfection. | ifmnews



Facebook Comments