Lima, sugatan sa sunog sa Starmall Alabang sa Muntinlupa; halaga ng pinsala, tinatayang nasa P100-M!

253

Limang katao ang sugatan matapos masunog ang Starmall Alabang sa Muntinlupa.

Batid na nagsimula ang sunog bandang alas-3:43 kahapon ng madaling araw kung saan itinaas sa Task Force Alpha matapos lamang ang apat na oras.

Ayon sa mga opisyal, idineklarang fire under control ito bandang alas-7:00 ng gabi.


Tinatayang nasa 100 milyong piso ang halaga ng pinsala habang patuloy na iniimbestigahan pa rin ang naging mitsa ng apoy.

Facebook Comments