Naging tahimik at walang naitalang anumang pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.
Batay sa May 8 bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), hindi nagkaroon ng volcanic earthquakes sa Taal, simula pa kahapon kung saan mayroon lamang itong mga moderate emission na nasa 200 meters ang taas mula sa main crater nito.
Pero sa kabila nito, nananatili at hindi pa rin ibinababa ng PHIVOLCS ang alerto ng bulkan na nasa Alert Level 2 at ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Permanent Danger Zone.
Ayon sa PHIVOLCS, maaari pa rin kasing magkaroon ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at paglabas ng volcanic gas sa Bulkang Taal.
Facebook Comments