Alerto ng NDRRMC – itinaas na sa red alert alert kasunod ng bakbakan ng Militar at Maute Group sa Marawi City

Manila, Philippines – Itinaas na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang kanilang status sa red alert kasunod ng bakbakan ng militar at Maute Group sa Marawi City.

Sa interview ng RMN kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan – sakop ng red alert status ang buong Mindanao dahil na rin sa deklarasyon ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Marasigan na bagamat sapat ang suplay ng pagkain, inumin at gamot sa Local Government Unit, humingi na rin sila ng augmentation mula sa national government.


Sa ngayon ay inaalam na ng NDRRMC ang datus ng mga apektadong residente ng lumikas sa Marawi City at ngayon ay nasa mga evacuation center sa Iligan at Cagayan De Oro City.

DZXL558

Facebook Comments