Alessandra De Rossi, napag-iwanan na raw ng kasikatan ni Empoy Marquez

Showbiz – Nagbigay-linaw ang katres na si Alessandra De Rosi tungkol sa impresyon ngayon ng karamihan na si Empoy lang ang nakinabang sa kasikatan matapos na pumatok sa takilya ang pelikula nilang “Kita-Kita”.

Matapos kasing mahalin ng publiko ang tambalang Alempoy, nagsunod-sunod na raw ang alok na proyekto kay Empoy kabilang na ang bago nitong pelikula at mga endorsement.

Pero say ni Alex, may mga nag-alok din sa kanya pero marami rito ang kanyang tinanggihan.


Kabilang na raw ang 2-million pesos na bayad para mag-endorse siya ng alak.

Paliwanag ng aktres, okey lang daw na magpa-sexy siya ‘wag lang mag-endorse ng anumang uri ng bisyo.

Gayunman, pinag-pray pa rin daw niya na matuloy ang endorsement para kay Empoy at kumuha na lang ng ibang ipapares sa komedyante.

Aminado rin naman si Alex na nanghinayang siya sa presyo pero ang good news, napalitan naman daw ito ng mas malaking offer.

Facebook Comments