Alex Gonzaga at Mikee Morada, kasal na!

209

It’s official!

Ikinasal na ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga at long-time boyfriend nito na si Lipa City Councilor Mikee Morada.


Kasabay ng kanyang 33rd birthday kahapon, masayang inanunsyo ni Alex sa kanyang Youtube vlog na ikinasal na sila ni Mikee noong Nobyembre.

Naganap ang civil wedding ceremony sa bahay ng pamilya ni Alex sa Taytay, Rizal.

Naging simple lang ang seremonya na dinaluhan ng kanilang immediate family.

“Isa na po akong may bahay at isa na po kong wife. Mrs. Morada na ako,” masayang anunsyo ng aktres.




Humingi naman ng paumanhin si Alex sa kanilang fans dahil hindi nila agad naibahagi ang tungkol sa kanilang pagpapakasal.

Paliwanag niya, nais muna nila itong i-celebrate ng kanilang mga pamilya.

“Masaya kami. Alam ko na OA pero masaya. Happily married kami. Papakita ko soon and nangyari sa wedding namin,” saad ni Alex.

Taong 2015 nang nagkakilala sina Alex at Mikee sa tulong ng aktor na si Piolo Pascual.

November 2016 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon hanggang sa ma-engaged noong December 2019.

October 2020 dapat sila ikakasal pero na-postpone ito matapos mag-positibo ang dalawa sa COVID-19.

Facebook Comments