Alex Gonzaga, may sweet message sa fiancé na si Mikee Morada sa kanilang 4th anniversary

52

Ipinagdiriwang ang actress /vlogger na si Alex Gonzaga at fiancé nito na si Mikee Morada ang kanilang ika-apat na taon pagiging mag-couple.

Sa Instagram post ni alex, binati nito si Mikee ng sweet message na “Happy four years until forever with you”.


Say ng aktres, in God’s grace, sa tamang oras at panahon ay mangyayari rin ang hinihintay nilang sandali.

Nabatid na ikakasal sana ang dalawa nitong Oktubre pero hindi natuloy matapos na tamaan ng COVID-19 ang buong pamilya ni Alex kasama si Mikee.

Nag-upload pa si Alex ng video sa YouTube channel nito at ibinahagi ang naging karanasan sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Matatandaang na-engaged ang dalawa noong Disyembre 2019 sa Hong Kong.




Facebook Comments