Sa ginawang Provincial Peace and Order Council-Provincial Anti-Drug Abuse Council (PPOC-PADAC) meeting, namagitan na ang tanggapan ng Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity upang tumulong sa resolusyon ng hindi pagkakasundo ng dalawang kampo kung saan kamakailan ay nakipagpulong ang mga ito sa mga miyembro ng taskforce ng Kalinga at mga opisyal ng Mt. Province upang ilahad ang kanilang concern at proposals.
Ang mga tribong Butbut at Betwagan ay nasasangkot sa isang dekada na alitan na humantong sa pagkaputol ng kanilang bodong o tinatawag na ‘kasunduan sa kapayapaan’ at nagdulot ng karahasan na kumitil sa isang buhay sa ngayon.
Inihayag ni Ngao-I na bigong maibalik ang kapayapaan sa pagitan ng dalawang tribo sa pamamagitan ng sipat ‘kasunduang kapayapaan.
Dagdag pa niya, humantong sa hindi pagkakasundo ng dalawang tribo matapos umanong tanggihan ng Sangguniang Panlungsod ng Kalinga ang boundary findings ng Regional Law Enforcement Coordinating Committee (RLECC) habang pinagtibay ito ng Sangguniang Panlungsod ng Mt. Province.
Nito lamang Marso 23, muling nagkaroon ng tensyon matapos pumunta ang mga miyembro ng tribong Betwagan sa pinag-aagawang hangganan at nagpaputok ng baril.
Kaugnay nito, nagpasa ang PPOC-PADAC ng isang resolusyon na humihiling sa mga awtoridad na magpadala ng mga police detachment sa mga sentro ng Bugnay at Butbut kung saan ang pagtaas ng police visibility ay inaasahang makapagpapaisip sa mga miyembro ng tribo tungkol sa pagtungo sa pinagtatalunang hangganan.
Samantala, ipapanukala ng task force ang isang ‘sipat’ sa pagitan ng mga pinuno ng barangay ng dalawang tribo sa nakatakdang pagpupulong kasama ang Fifth Infantry Division.
Ayon kay Ngao-i, isinusulong ang ‘sipat’ dahil bahagi ng mandato ng barangay officials ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Una rito, nakatanggap ng imbitasyon ang dalawang kampo ng tribu mula sa 5th Infantry Division, Philippine Army matapos makarating sa Malacañang ang naturang isyu.