Philippine Embassy sa Hungary, may paalala sa mga Pinoy na uuwi ng Pilipinas

68

Pinaalalahanan ng Philippine Embassy to Hungary ang lahat ng Returning overseas Filipinos at foreign nationals na tutungo ng Pilipinas na mag-register muna gamit ang official One Health Pass (OHP) registration website, bago ang departure.

Ayon sa Embahada, libre ang prosesong ito at dapat gawin sa pamamagitan ng opisyal website sa onehealthpass.com.ph.

Paalala ng Embahada mangyaring tingnan ang kalakip ng advisory na may petsang March 28, 2022 na inisyu ng One-Stop Shop for the Management of Returning Overseas Filipinos (OSS MROF) pati na rin ang maikling video sa One Health Pass OHP guidelines.


Facebook Comments