Alituntunin sa paggamit ng mga pampublikong eskwelahan bilang COVID-19 isolation facility, inilabas ng DepEd

Nagpalabas na ng memorandum ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa paggamit ng mga pampublikong eskwelahan bilang COVID-19 isolation facility.

Sa inilabas na alituntunin ni Education Secretary Leonor Briones, nagbilin ito sa mga opisyal ng paaralan kung saan maaari aniyang tumanggi na magamit ang kanilang eskwelahan bilang COVID-19 facility, kung may gagawing konstruksyon o pagsasaayos ng pasilidad.

Pero kung kasalukuyan namang ginagamit na bilang isolation facility at may ikakasang konstruksyon, dalawa aniya ang maaring gawin.


Una ay dapat na pakiusapan ang lokal na pamahalaan na ilipat ang COVID-19 patients sa ibang lugar at pangalawa kung maaari ay ihiwalay ang ginagamit na pasilidad sa gusali o imprastraktura na gagawin o itatayo.

Sa ngayon, ilang eskwelahan na ang ginagamit ng LGUs na isolation facilities o vaccination hubs.

Facebook Comments