Cauayan City, Isabela- Nagbabala si City Mayor Josemarie Diaz ng Lungsod ng Ilagan ang hindi pagsunod sa panuntunan ng publiko dahil tiinitiyak nito na may kaakibat na parusa ang lalabag dito.
Ito ang kanyang ibinahagi sa naganap na Executive meeting kasama ang inter-Agency Task Force at mga Department Heads ng LGU.
Ayon sa pahayag ni Mayor Diaz, bagama’t nakapagtala ng positibong kaso ng virus ay nasiguro naman na hindi na nakahawa ng iba pang Ilagueño matapos maidiretso sa inilaang quarantine facilities ng lungsod taliwas sa pangamba ng publiko na nakauwi ang mga ito sa kani-kanilang tahanan.
Matatandaan na pawang mga tatlong (3) Locally Stranded Individuals ang dumating sa lungsod noong June 18, 2020 na kinabibilangan nina CV54, 22 anyos, lalaki at may travel history mula sa Quezon City.
Si CV55, 19 anyos, babae, na nanggaling sa Pasay City at si CV56 na isang lalaki,39 anyos at mula naman sa Taguig City.
Pawang naiulat ang tatlo na positibo sa virus infection noong June 23, 2020.
Samantala,nilinaw din ni Diaz na hindi babalik sa pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang lungsod bagkus mananatili pa rin sa kasalukuyang General Community Quarantine.
Pinawi naman ng opisyal na walang dapat ikatakot ang publiko dahil napanatili naman ang kahandaan ng lahat ng mga bumubuo ng task force sa pagpapatupad ng polisiya sa mga pumapasok ng siyudad.
Inamin din ng opisyal na nanlumo ito ng mabalitaan ang pagkakaroon ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa lungsod.