ALKALDE NG DAGUPAN, NAGBABALA SA MGA GUMAGAWA NG ILLEGAL NA PAPUTOK

Nagbabala ang alkalde ng Dagupan laban sa paggawa at paggamit ng ilegal na paputok kasunod ng insidente sa isang ilegal na pagawaan sa Brgy. Tebeng na nagdulot ng disgrasya.

Ayon sa pamahalaan, hindi kailanman kukunsintihin ang ganitong gawain, lalo na kung naglalagay ito sa panganib ng buhay at ari-arian ng mga residente.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP at BFP, katuwang ang CDRRMO, at tiniyak na mananagot ang sinumang lalabag sa batas.

Hinikayat din ang publiko na ipagdiwang ang Kapaskuhan at Bagong Taon nang ligtas at responsable. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments