Alkalde ng Datu Abdullah Sangki Guest of Honor sa kick-off ceremony ng PRC Month sa BARMM

Pormal nang binuksan ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) ang selebrasyon ng Philippine National Police ng 25th Police Community Relations (PCR) Month ngayong taon na may temang “Pinaigting na Ugnayan ng Mamamayan at Pulisya Laban sa COVID-19 Pandemya”.

Ang Kick-off Ceremony ng isang buwang selebrasyon ay isinagawa pagkatapos ng flag raising kahapon sa Parade Ground ng Camp Salipda K Pendatun, Parang, Maguindanao kung saan panauhing pandangal si Datu Abdullah Sangki Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu.
Sa kanyang speech, binigyang diin ni Mayor Mangudadatu ang kahalagahan ng partnership sa pagitan ng komunidad at kapulisan sa laban kontra kriminalidad upang makamit ang mapayapa at masaganang lipunan.

Ang buwan ng Hulyo kada taon ay idineklarang Police Community Relations Month.


Ipinagdiriwang ito ng PNP bilang bahagi ng kanilang pagbibigay importansya sa solidong ugnayan ng pulisya at komunidad tungo sa pananatili ng peace and order at community development.

DAS MPS PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments