
Hindi sang-ayon ang Malacañang sa pananaw ng ilang ekonomista na nasa stagflation na ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang maiwasang maranasan ng bansa ang stagflation sa kabila ng mga hamong dulot ng sigalot sa Middle East.
Sinabi ni Castro na una nang iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kailangang maiwasan ang ganitong sitwasyon mula nang magsimula ang krisis sa Middle East.
Kabilang sa mga epekto ng sigalot ang pagsasara ng Strait of Hormuz na naka-apekto sa presyo ng langis at nagdagdag sa gastos sa transportasyon at logistics.
Facebook Comments










