Maguindanao – Handa na ang lahat para sa gaganaping Bangsamoro General Assembly sa Old Capitol, sa crossing Simuay, sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao sa araw ng Linggo at Lunes, November 26-27.
Inihayag ni Moro Islamic Liberation Front 1st Vice Chairman for Political Affairs at Bangsamoro Transition Commission Chair Ghazali Jaafar, planstado na ang lahat.
Aniya naipadala na lahat ang imbitasyon para sa naturang makasaysayang aktibidad lalo na sa mga VIP delegates at nagkumpirma na rin ang mga ito, isa sa kanila ay prinsipe ng Saudi Arabia.
Sa aspeto naman ng seguridad, sinabi ni Jaafar na 40, 000 na Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ang kanilang ide-deploy sa area, katuwang din sa pagtitiyak sa seguridad sa asembleya ang 6th infantry division ng Philippine Army.